2 militanteng opisyal nilikida
April 5, 2007 | 12:00am
CAMP CRAME  Dalawang opisyal ng grupong militante ang iniulat na pinaslang matapos na dukutin ng mga ’di kilalang kalalakihan sa bahagi ng Cagayan Valley kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Arthur Orpilla, opisyal ng Kilusang magbubukid ng Pilipinas; at Dionisio Battad, opisyal ng grupong Anakpawis na kapwa naninirahan sa Bagunot Baggao, Cagayan Valley.
Ayon sa ulat, si Orpilla ay pinatay sa saksak habang si Battad naman ay pinagbabaril.
Natagpuan ang mga bangkay ng biktima sa Cagayan River sa Barangay Magapit sa bayan ng Lallo.
Napag-alamang magkasunod na dinukot ang mga biktima sa kani-kanilang tahanan noong Martes ng Marso 27 at mula noon ay kapwa hindi na lumutang.
Ang panibagong pagpatay ay mariin naman kinondena ng mga militanteng grupo dahil sa sunud-sunod ng patayan sa kanilang hanay sa rehimeng Arroyo. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest