^

Probinsiya

2 obrero patay sa kuryente

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna — Dalawang trabahador ng metal works ang iniulat na namatay makaraang makuryente habang nagdidiskarga ng metal railing sa bayan ng Lumban, Laguna noong Sabado ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Supt. Felipe Rojas, Laguna police director, ang mga biktimang sina Emiliano Layrit, driver, residente ng Barangay Tambo, Lipa City; at Reynaldo Muico, helper, ng Barangay Galamay Amo, San Jose, Batangas City at kapwa trabahador ng Malaluan Iron Metal Craft sa Lipa City, Batangas.

Base sa ulat, nagdidiskarga ang mga biktima ng road metal railing mula sa six-wheeler truck (UUC-665) sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Lewin, Lumban, Laguna nang maganap ang aksidente.

Sa salaysay ng mga saksi, ginagamitan ng lifter ang mga iron railings nang dumukit sa high tension wire ng First Laguna Electric Cooperative (FLECO) at mangisay ang dalawa matapos magtamo ng third degree burn dahil sa taas ng voltahe ng kuryente. (Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA

BARANGAY GALAMAY AMO

BARANGAY LEWIN

BARANGAY TAMBO

BATANGAS CITY

EMILIANO LAYRIT

FELIPE ROJAS

FIRST LAGUNA ELECTRIC COOPERATIVE

LIPA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with