Kabilang sa mga nasawi ay sina Nika Mercado Natural, 4, ng Barangay Florida; Jose Pilonggo, 10; Susan Lao, 26; at Dionisio Macasaet.
Nasa kritikal naman kalagayan sina Mario Cuesta, barangay kagawad at driver ng jeepney Cuesta Espress; Philip James Natural, 5; Eduardo Mercado, 55, lolo ng dalawang bata.
Naitala ang sakuna na sa pagitan ng alas-5:30 hanggang alas-6 ng umaga matapos na mawalan ng preno ang sasakyang mula sa Las Nieves, Agusan del Norte na pawang lulan ng political supporters ng hindi binanggit na kandidato.
Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon na hindi nakayanan ng sasakyang makaakyat pa sa matarik na bahagi ng tulay hanggang sa bumi gay ang preno bago nagtuluy-tuloy sa 12 metrong lalim na bangin patungo sa ilog.
Ayon kay P/Chief Supt. Antonio Dator Nañas, Caraga regional director, posibleng maragdagan pa ang mga biktimang nasawi dahil may mga biktimang nasa kritikal na kalagayan habang ginagamot sa ospital. (Ben Serrano at Edwin Balasa)