^

Probinsiya

Dyip hulog sa bangin: 4 todas, 12 grabe

-
BUTUAN CITY — Hindi na umabot pa ng Semana Santa ang apat na sibilyan habang 12 iba pa ang malubhang nasugatan makaraang mahulog sa bangin ang isang pampasaherong jeepney na naglalaman ng mga political supporters ng isang kandidato sa Sitio Bucla, Barangay Maguinda, Butuan City kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga nasawi ay sina Nika Mercado Natural, 4, ng Barangay Florida; Jose Pilonggo, 10; Susan Lao, 26; at Dionisio Macasaet.

Nasa kritikal naman kalagayan sina Mario Cuesta, barangay kagawad at driver ng jeepney Cuesta Espress; Philip James Natural, 5; Eduardo Mercado, 55, lolo ng dalawang bata.

Naitala ang sakuna na sa pagitan ng alas-5:30 hanggang alas-6 ng umaga matapos na mawalan ng preno ang sasakyang mula sa Las Nieves, Agusan del Norte na pawang lulan ng political supporters ng hindi binanggit na kandidato.

Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon na hindi nakayanan ng sasakyang makaakyat pa sa matarik na bahagi ng tulay hanggang sa bumi gay ang preno bago nagtuluy-tuloy sa 12 metrong lalim na bangin patungo sa ilog.

Ayon kay P/Chief Supt. Antonio Dator Nañas, Caraga regional director, posibleng maragdagan pa ang mga biktimang nasawi dahil may mga biktimang nasa kritikal na kalagayan habang ginagamot sa ospital. (Ben Serrano at Edwin Balasa)

ANTONIO DATOR NA

BARANGAY FLORIDA

BARANGAY MAGUINDA

BEN SERRANO

BUTUAN CITY

CHIEF SUPT

CUESTA ESPRESS

DIONISIO MACASAET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with