Pari inutas habang nagmimisa
April 3, 2007 | 12:00am
CAMP CRAME  Sa harapan mismo ng altar habang nagmimisa, pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 34-anyos na Indonesian priest ng mga armadong kalalakihan sa isa na namang karahasang naganap sa Brgy. Mabongtot, Lubuagan, Kalinga kamakalawa ng umaga.
Ang biktimang naisugod pa sa Lubuagan District Hospital, subalit idineklarang patay ay nakilalang si Father Francisco Madhu, assistant Parist Priest sa St. Peter at St. Paul church.
Samantala, naaresto naman ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang follow-up operation kahapon ng madaling-araw ang isa sa apat na suspek na nakilalang si Nestor Wailan na pinaniniwalaang kasapi ng isang private armed group ng isang kilalang politiko sa nasabing bayan.
Napag-alamang bago naganap ang pamamaslang ay kinompronta ng apat na kalalakihan ang biktima sa labas ng simbahan ng na banggit na bayan.
Ayon kay P/Chief Supt. Raul Gonzales ng Police Regional Office (PRO) ng Cordillera, hindi naman nabatid ng mga tagasiyasat ng pulisya ang tungkol sa pinagtalunan ng biktima at mga suspek. Napag-alamang pinagbabaril ang biktima sa harap mismo ng maraming tao at animo’y mga lango sa droga ang mga suspek habang papalayong tumakas sa crime scene. (Edwin Balasa at Artemio Dumlao)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest