Lider ng KFR nilikida
April 2, 2007 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna  Nagwakas ang paghahari ng isang lider ng kidnap-for-ransom (KFR) gang matapos tambangan ng mga ’di kilalang kalalakihan sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Bubukal sa Sta. Cruz, Laguna noong Sabado ng gabi.
Kinilala ni Senior Superintendent Felipe Rojas, Laguna police director, ang napatay na si Larry Passion, 43, lider ng Larry Passion Group na nag-ooperate sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon) area.
Sa inisyal na imbestigasyon, magkaangas sa motorsiklo (WA-6267) sina Passion at kaibigan nitong si Sonny Clarito nang harangin ng isang van habang binabagtas ang kahabaan ng nasabing national highway bandang alas- 6 ng gabi
Sa salaysay ng mga saksi, biglang may umalingawngaw na sunud-sunod na putok ng baril mula sa van at duguang bumulagta si Passion, samantala, nakaligtas naman ang kasama nitong si Clarito.
Napag-alamang patungo ang magkaibigan sa isang tindahan upang bumili ng gatas ng anak ni Passion nang harangin ng van at isagawa ang krimen.
Sa panayam ng PSN kay Col. Rojas, nahaharap si Passion sa mga kasong murder, kidnapping, robbery at illegal possession of firearms at nakakalaya lamang ito matapos makapaghain ng piyansa.
Sa record ng pulisya, si Passion ay dating rebeldeng New Peolple’s Army at nasa police watchlist bilang leader din ng mga grupong Bonnet Gang, Acetylene Gang at Akyat Bahay na responsable sa mga bank robberies at illegal na droga sa CALABARZON.
"Marami kaming tinitingnang motibo dito, isa na ang onsehan sa droga at posibleng ginantihan ng kanyang mga nabiktima," saad ni Rojas. (Arnell Ozaeta at Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended