TMG, nakaalerto sa Undas
April 2, 2007 | 12:00am
CAMP OLIVAS, Pampanga  Ipinag-utos ng hepe ng Region-3 Traffic Management Group na si Police Senior Supt. Eleuterio Gutierrez Jr. sa lahat ng kanyang mga tauhan na maging alerto ngayong Mahal na Araw. Ayon kay Police Chief Inspector Ronald Hipolito, TMG chief administrator, ang kautusan ay ginawa ni Gutierrez upang mapangalagaan ang mga bakasyunista, turista at maging ang mga residente na uuwi sa kani-kanilang probinsiya mula sa Metro Manila. "Dahil nga sa nasabay sa mga panahon ng pangangampanya ng mga pulitiko ang Undas, kailangan namin ang pagmamatyag sa mga lansangan upang mamentena ang kaayusan ng trapiko," pahayag pa ni Major Hipolito.
Pangunahin ng operation ng Oplan Sumvac ay ang kanilang kampanya laban sa mga elemento ng carnapping, highway robbery at pagsasagawa ng Comelec gun ban sa mga lansangan. (Resty Salvador)
Pangunahin ng operation ng Oplan Sumvac ay ang kanilang kampanya laban sa mga elemento ng carnapping, highway robbery at pagsasagawa ng Comelec gun ban sa mga lansangan. (Resty Salvador)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest