Sa 15-pahinang desisyon ni Judge Leo Intia ng Daet Regional Trial Court-Branch 38, hinatulan ang akusadong si Segundino Solver sa kasong rape.
Bukod sa hatol na habambuhay ay pinagbabayad din ang akusado ng P.3 milyon sa dalawang biktima na may edad na 13 at 15-anyos bilang dan yos perwisyo. Base sa record ng korte, ipinagkatiwala ng inang nasa abroad ang kanyang dalawang anak sa akusado, subalit inabuso naman nito. (Francis Elevado)