2 alkalde sinuspinde
March 30, 2007 | 12:00am
Sinuspinde kahapon ng Ombudsman, ang dalawang alkalde at 17 pang opisyal ng magkahiwalay na lokal na pamahalaan sa Cebu dahil sa maanomalyang transaksyon sa pagbili ng lampposts may ilang buwan na ang nakalipas.
Sa 6-pahinang desisyon na ipinalabas ni Ombudsman Ma. Merceditas N. Gutierrez, pinasususpinde ng anim na buwan sina Mayors Thadeo Ouano ng Mandaue City at Arthuro Radaza ng Lapu-Lapu City, maging ang mga tauhan ng City Engineering Office na sina Hidelisa Latonio, Gregorio Omo, Mario Gerolaga, Alfredo Sanchez Sr., Rosalina Denque ng Mandaue City; Julito Cuizon, Fernando Tagaan Jr. at Rogelio Veloso ng Lapu-Lapu City.
Kabilang din sa sinuspinde ay sina DPWH Region VII director Robert Lala, ex-asst.dir. Gloria Dindin, asst. dir. Marlina Alvizo, Pureza Fernandez, oic chief ng maintenace; Cresencio Bagolor, oic-asst. chief ng maintenance division; Agustinito Hermoso, regional legal officer; Luis Galang, hepe ng planning division; Restitutio Diano, hepe ng administrative division.;at si Buenaventura Pajo, hepe ng construction division.
Ayon kay Gutirrez, na lumilitaw na sampung beses na pinatungan ni Mayor Quano at mga kasamahan nito ang orihinal na presyo ng nabanggit na lampposts.
"It was also discovered that the Programs of Work prepared by Lapu-Lapu City are almost the same with those contained in the Programs of Work prepared by Mandaue City," pahayag pa ni Gutierrez .
Nabatid na ang eksaktong quotation ng lampposts ay umaabot lamang sa P6,737.79 per assembly, subalit tinaasan ito ng mga nabanggit na opsiyal sa presyong P50,172. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended