^

Probinsiya

Campaign manager ng TU itinumba

- Edwin Balasa, Malou Rongalerios -
PAMPANGA - May posibilidad na dumanak ng dugo sa ilang bayan sa Pampanga sa nalalapit na eleksyon dahil sa napaulat na pinagbabaril hanggang mapatay ang isang barangay chairman na tumatayong campaign manager ng Team Unity sa naganap na karahasan sa Barangay Vitas sa bayan ng Arayat, Pampanga kahapon ng umaga.

Ang biktimang pinsan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na nagtamo ng apat na bala sa ulo at katawan mula sa dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ay nakilalang si Ludencio Macapagal Galang, 60, ng Barangay Telepayong.

Base sa ulat ni P/Supt. Delfin Resticio Jr., hepe ng Arayat PNP, naitala ang krimen dakong alas-8 ng umaga habang nag-iinspeksyon ang biktima sa construction site ng nabanggit na barangay. Napag-alamang nilapitan ang biktimang naglalakad malapit sa Barangay Vitas Health Center ng dalawang ’di-kilalang lalaki at isinagawa ang pamamaslang.

Agad na tumakas ang dalawa sakay ng motorsiklong kulay dilaw habang ang biktima ay naiwang nakabulagta malapit sa kanyang sasakyang may plakang URY-412.

Sinisilip ng mga tagasiyasat ng pulisya kung may kaugnayan sa politika ang krimen maliban sa napaulat na anggulong may kinalaman sa awayan sa lupa na ikinasawi ng isang nagngangalang Landis Quiambao noong nakalipas na taon.

vuukle comment

ARAYAT

BARANGAY TELEPAYONG

BARANGAY VITAS

BARANGAY VITAS HEALTH CENTER

DELFIN RESTICIO JR.

LANDIS QUIAMBAO

LUDENCIO MACAPAGAL GALANG

PAMPANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with