Law student tinodas ng kidnaper
March 27, 2007 | 12:00am
MARAWI CITY  Pinaniniwalaang hindi nakapagbigay ng malaking halaga ng ransom sa mga kidnaper ang pamilya ng isang graduating law student na napaulat na nawawala simula pa noong nakalipas na linggo, ang natagpuang patay sa liblib na bahagi ng Taraka, Lanao del Sur kamakalawa.
Ipinahayag kahapon sa mga mamamahayag ni Alex Cabornay, NBI executive officer, na ang biktimang si Tamtam Edpan, 26, law student sa Xavier University at tubong Jasaan, Misamis Oriental ay natagpuan sa nasabing lugar.
Ang bangkay ni Edpan na tinadtad ng bala ay di nala pabalik ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Cagayan de Oro City matapos na kilalanin ng kanyang ina na si Marilyn.
Base sa inisyal na ulat, lumitaw na napaulat na nawawala ang biktima simula pa noong Huwebes ng Marso 22 matapos na magtungo sa Valencia City, Bukidnon sakay ng berdeng Mitsubishi Adventure.
Hindi rin sumagot sa kanyang celfone ang biktima matapos na tawagan ng kanyang ina para kumpirmahin ang ipinadalang P1,000 sa pamamagitan ng automated teller machine.
Napag-alamang nakatanggap ng text message ang nobya (Charissa Akut) ni Edpan mula sa suspected kidnaper na humingi ng hindi binanggit na malaking halaga kaya naalarma ang babae at kaagad naman ipinagbigay-alam sa ina ng biktima.
Humingi naman ng tulong ang pamilya ng biktima sa NBI at ilang opisyal ng lokal na pamahalaan sa Cagayan de Oro City para hanapin ang kinaroroonan ng law student.
Sa pakikipag-ugnayan ng NBI sa mga awtoridad ng Lanao del Sur ay nakatanggap sila ng impormasyon na may natagpuang bangkay ng lalaki sa liblib na lugar sa bayan ng Taraka.
Samantala, ang kotse ng biktima ay nawawala. (Lino Dela Cruz at Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended