Babala ng mga alkalde sa militar

HAGONOY, Bulacan —Nagbabala ang mga alkalde sa Bulacan kaugnay sa pagtatalaga ng mga sundalo ng militar sa mga barangay na maaaring makagulo ito sa autonomy ng lokal na pamahalaan. Gayon pa man, sinabi ng mga alaklade partikular na si Hagonoy Mayor Felix Ople, na malaki ang naitulong ng mga sundalo sa katahimikan ng kanilang bayan. Binigyang pansin nila na malaki ang ibinababa ng mga petty crimes kumpara noong bago dumating ang mga sundalo.

Bukod dito, ipinaalala ng mga alkalde na dapat ay manatili sa ibabaw ang mga opisyal ng lokal na pamahalaang dahil sa prinsipyo ng pamamahala na civilian government over the military. (Dino Balabo)

Show comments