Lady dentist nilikida
March 25, 2007 | 12:00am
CAVITE – Binaril at napatay ang isang lady dentist ng pekeng dentista malapit sa bahay ng biktima sa Barangay San Miguel 2 sa bayan ng Dasmariñas, Cavite kamakalawa.
Napuruhan sa ulo ng bala ng baril ang biktimang si Dra. Rosalia Gonzaga, 47, ng Block 2 Lot 6 Manuela Ville Subd., Barangay San Agustin 2, Dasmariñas, Cavite.
Arestado naman ang isa sa dalawang suspek na si Felimon Batula, 53, residente ng San Miguel 1, Dasmariñas, Cavite.
Base sa ulat ni P/Supt. Mario Reyes, hepe ng Dasmariñas PNP, bandang alas-7:30 ng tambangan ni Batula ang biktima kasama ang isa pang kasabwat sa iskinita na sakop ng Barangay San Miguel 1.
Mabilis na tumakas si Batula sakay ng motorsiklo matapos ang pamamaril, subalit nasakote din ito ng mga nagrespondeng alagad ng batas sa kanilang bahay.
Bago maganap ang pamamaslang, ay tinungo ng biktima ang bahay ng suspek upang komprontahin sa patuloy na panggagamot bilang dentista kahit walang lisensya.
Sa panayam ng PSN kay Col.Reyes, maaaring ginantihan ng suspek ang lady dentist matapos na magreklamo ang huli sa himpilan ng pulisya kaugnay sa illegal na gawain ng nagpapanggap na dentista.
Kasalukuyang tugis ng pulisya ang isa pang suspek na naging kasabwat sa krimen. (Cristina Timbang at Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest