Pinoy inventor bilang gobernador
March 23, 2007 | 12:00am
LUCENA CITY  Sa pagnanais na lalong mapaunlad ang Quezon, kakandidato sa pagka-gobernador ang nag-iisang Pinoy inventor ng industrial battery na pinakikinabangan ng Philippine Airlines, telecom cell sites at iba pa na si 1st district Congressman Raffy Nantes ng Liberal-Drilon Wing. Si Rep. Nantes na ikatlong termino at huling panunungkulan ng unang distrito ng Quezon ay maraming naipagawang malalaking proyekto katulad ng Marikina-Infanta Road at pagpupursigeng maging ganap na university ang Southern Luzon Polythecnic College sa Lucban, Quezon. Isa rin sa pinaplano ng solon ay ang pagtatayo ng International Container Port sa bahaging dagat Pacifico na nasasakop ng mga bayan ng General Nakar, Infanta at Real upang dito na dumaong ang mga kalakal na sakay ng malalaking barko. Naniniwala ang karamihan sa 40 municipality mayors ng Quezon na dahil sa angking sipag ni Nantes ay mas higit nitong mapapaunlad ang nasabing lalawigan. (Tony Sandoval)
CABANATUAN CITY, Nueva Ecija  Apat na personalidad ang inaasahang magbabanggaan sa pagka-congressional sa ikatlong distrito ng Nueva Ecija sa nalalapit na mid-term May 14 elections. Kabilang sa nagpahayag ng interes na lumahok sa congressional race ay sina Cabanatuan City Councilor Voltaire S. Chua, ex- Rep. Pacifico "Rico" Farjardo, Czarina "Cherry" Umali, asawa ni Rep. Aurelio "Oyie" Umali na kakandidato sa pagka-gobernador; at ang ikaapat at huling nagpahayag ng kanyang interes na magsilbi sa mga mamamayan ng 3rd district, na binubuo ng Cabanatuan City at Palayan City at mga bayan ng Sta. Rosa, Laur, Bongabon at Gabaldon ay si dating Nueva Ecija Vice Governor Eduardo "Ding Liit" IV Joson. Sinuman ang palaring manalo sa apat na kakandidato sa ika-3 distrito ng Nueva Ecija ay siguradong susuportahan ng mamamayan. (Christian Ryan Sta. Ana)
BULACAN  Tinatayang aabot sa P3 milyon ang natangay mula sa negosyanteng Tsinoy makaraang holdapin ng apat na armadong kalalakihan na nagpanggap na mga pulis sa exit ng North Luzon Expressway sa Barangay Patubig, Marilao, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Nagsasagawa na ng operasyon ang mga tauhan ni P/Supt. Eduardo Quelatis para masakote ang bumiktima kay Alma Uy, 30, ng Barangay Lolomboy, Bocaue, Bulacan. Sa inisyal na pagsisiyasat, sakay ng Starex van ang biktima nang senyasang tumigil ng kulay pulang Mitsubishi Lancer (NAM-560). Dahil sa nag-wang-wang at inakalang mga pulis ay tumigil naman ang sasakyan ng biktima, subalit paglapit ay nagdeklara ng holdap at natangay ang malaking halaga. May teorya ang pulisya na may nakapagbigay ng impormasyon sa mga holdaper na may dalang malaking halaga ang biktima kaya isinagawa ang krimen. (Boy S. Cruz)
OLONGAPO CITY  Karit ni kamatayan ang sumalubong sa isang traysikel drayber makaraang makipagbarilan sa mga alagad ng batas sa bahagi ng Barangay Gordon Heigths, Olongapo City kamakalawa ng gabi. Kinilala ang napatay na si Noli Eclarinal ng Cell 1-Upper De Guzman St. ng nabanggit na barangay.
Ayon kay P/Senior Supt. Angelito Pacia Jr., Olongapo City police director, nagwala si Eclarinal sa terminal ng traysikel matapos na komprontahin ang isang kabarong drayber hanggang sa mamaril ito. Sugatan naman sa pamamaril ni Eclarinal ang mga biktimang sina Eduardo Cano, Raymund Joven, at Marium Besa na ngayon ay ginagamot sa James L. Gordon Memorial Hospital. Agad naman rumesponde ang mga alagad ng batas sa naasabing lugar, subalit imbes na sumuko ni Eclarinal ay nakipagbarilan pa kaya napatay. (Jeff Tombado)
Ayon kay P/Senior Supt. Angelito Pacia Jr., Olongapo City police director, nagwala si Eclarinal sa terminal ng traysikel matapos na komprontahin ang isang kabarong drayber hanggang sa mamaril ito. Sugatan naman sa pamamaril ni Eclarinal ang mga biktimang sina Eduardo Cano, Raymund Joven, at Marium Besa na ngayon ay ginagamot sa James L. Gordon Memorial Hospital. Agad naman rumesponde ang mga alagad ng batas sa naasabing lugar, subalit imbes na sumuko ni Eclarinal ay nakipagbarilan pa kaya napatay. (Jeff Tombado)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest