Tone-toneladang bulok na sibuyas nasabat
March 23, 2007 | 12:00am
BULACAN  Tone-toneladang bulok na sibuyas na lulan ng dalawang 40-footer container van mula sa Maynila ang nasabat ng mga alagad ng batas sa kahabaan ng highway sa Barangay Guyon, Sta. Maria, Bulacan kahapon. Kasalukuyang pinipigil sa himpilan ng Provincial Environment and Natural Resources sa Malolos City, ang mga drayber ng van na sina Roberto Atienza, 43, ng Barangay Pinaod, San Ildefonso, Bulacan; at Jaime Roque, 43, ng Baranugay Pala-Pala, San Ildefonso, Bulacan.
Napag-alamang patungo sana ang dalawang cargo van sa Barangay Partida, Norzagaray, Bulacan para itapon ang mga bulok na sibuyas, subalit nasabat ng mga tauhan ni P/Supt. Efren Ramos.
Napag-alamang walang maipakitang kaukulang papeles ang mga drayber ng dalawang van na may mga plakang UPV-892 at XPC-374 at maging ang tumatayong escort na mga Customs police kaya dinala ng pulisya sa himpilan ng PENRO na nakabase sa Malolos City.
Tumanggi naman magbigay ng impormasyon ang mga opisyal ng PENRO sa pagkikilanlan ng mga pangalan ng Customs police na lulan ng L300 van na may plakang SHB-498 na tumatayong escort ng dalawang container van na pinaniniwalaang naipuslit mula sa Manila International Container Port (MICP).
Nabatid na naipasok sa bansa ang tone-toneladang sibuyas noong Nobyembre 2006 mula sa China bago naipuslit sa MICP kahapon sa tulong na rin ng mga tiwaling opisyal ng Customs. (Boy S. Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended