Guro ni-rape slay ng mga adik
March 20, 2007 | 12:00am
CAMP CRAME – Pinilahan munang halayin bago brutal na pinaslang ang isang babaeng guro ng limang kalalakihan na pinaniniwalaang adik sa droga sa naganap na malagim na karahasan sa Barangay Masaya Sur, San Agustin, Isabela kamakalawa.
Ang biktimang brutal na pinagsasaksak bago itinapon sa bakanteng lote na walang saplot sa katawan ay nakilalang si Mitchie Ann Pascual ng nabanggit na bayan.
Samantala, nasakote naman at pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Richard Antonio, Adonis Sarzate, Mark Domingo, Rogen Angelo at Babit Manglalla, pawang mga residente ng nasabing bayan.
Base sa ulat na nakarating sa Camp Crame, ang bangkay ng biktima ay natagpuan ng mga residente sa bakanteng lote sa nasabing barangay dakong alas-2 ng hapon kamakalawa.
Lumitaw sa isinagawang post-mortem examination sa mga labi ng biktima, aabot sa 20-saksak ng patalim sa katawan ang tinamo nito.
Nakuha rin ng pulisya sa tabi ng bangkay ang patalim na ginamit sa krimen gayundin ang saplot ng biktima.
Ayon sa pulisya, huling namataang buhay ang biktima nang sumakay sa traysikel ng isa sa mga suspek nitong nakalipas na Sabado matapos na maghanda para sa programang gaganapin sa eskwelahan.
Mariin naman itinanggi ng mga suspek ang akusasyon ng pulisya laban sa kanila na isinailalim sa drug test. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am