Mag-asawa, anak minasaker
March 20, 2007 | 12:00am
CAMP CRAME – Bayolenteng kamatayan ang sinapit ng mag-asawang magsasaka at anak nilang lalaki makaraang ratratin ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa loob ng kanilang tahanan sa bayan ng Carmen., North Cotabato kamakalawa.
Kabilang sa mga biktimang tinadtad ng bala ng malalakas na kalibre ng baril ay sina Emmanuel, asawang si Marina Osonio at ang 16-anyos nilang anak na si Reymund.
Sa ulat na isinumite kahapon sa Camp Crame, naitala ang madugong insidente dakong alas-7 ng gabi sa loob mismo ng tahanan ng pamilya Osonio sa Barangay Liliongan, Carmen, North Cotobato.
Nabatid na nagpapahinga ang mga biktima nang biglang pasukin ng mga armadong kalalakihang rebelde na pinangungunahan ng isang Tungal Kadil at walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ang tahanan ng mga biktima.
Walang iniwang buhay na biktima ang mga rebelde matapos na makarekober ang pulisya ng mga basyo ng bala ng M16 at Garand rifles.
Sa naging pahayag ni P/Chief Inspector Renante Cabico, hepe ng pulisya sa bayan ng Carmen, posibleng pinaghinalaan ang mga biktima na tiktik ng militar kaya pinatahimik upang di-mabuking ang operasyon ng grupong MILF. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest