Trike vs truck: 3 patay, 8 grabe
March 19, 2007 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City  Tatlong sibilyan kabilang ang drayber ng trike ang iniulat na nasawi habang walo naman ang malubhang nasugatan makaraang salpukin ng truck ang traysikel sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Tara, Sipocot, Camarines Sur, kamakalawa ng hapon. Kabilang sa mga biktimang namatay ay sina John Robert Callada, John Lester Dumasig at ang drayber ng trike na si Helenito Merenciano ng Barangay Bequito Viejo, Libmanan, Camarines Sur.
Ginagamot naman sa Sipocot District Hospital ang mga sugatang sina Marcial Marcial Sr., Regina Merenciano, Freddie Merenciano, Florentina De La Cruz, Gil Merenciano, Genelyn Rapada, Rey Mark Merenciano, at Ricky Merenciano, pawang mga residente ng Barangay Bequito, Viejo, Libmanan, Camarines Sur. Samantala, nasakote naman ang drayber ng Isuzu truck (RE-651) na si Ramon Fernandez Jr., 22, ng Barangay Concepcion, Gen Tenio, Nueva Ecija.
Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya, na sinalpok ng truck ang hulihang bahagi ng trike (EX-5800) ng mag-overtake sa kasunod na pampasaherong jeepney. Matapos na masalpok ang trike ay inararo naman ng truck ang tindahan kung saan sina Callada at Dumasig ay nahagip habang nakaupo.
Pormal namang kinasuhan ang drayber ng truck habang nakapiit sa himpilan ng pulisya. (Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended