Kinilala ni P/Supt.James Brillantes, hepe ng RSOG ang mga suspek na sina Jeffrey Jiang, 24; Ana Tan, 26; John Chua, 26; Marco Chei Tan, 22; at Wu Gang Ang, 59; Hong Qin Feng, 25; Li Li Hui, 34; at ang Pinoy na si Rosario Ligdao, 67, pawang naninirahan sa Rizal St., Lipa City, Batangas.
Ayon sa report, nadakma ng mga elemento ng RSOG ang grupo ng mga suspek matapos salakayin ang Lima Public Market bandang alas-12:30 ng tanghali at maaktuhang nagbebenta ng mga pekeng sapatos na Puma, Nike, Casio calculator at mga cricket lighters.
Walang maipakitang kaukulang dokumento ang pitong Tsino na nagpapatunay na legal ang pananatili sa bansa at negosyo sa nasabing lungsod.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 8762 (pagbebenta ng mga pinekeng produkto sa merkado) at paglabag sa itinakdang batas na Philippine Immigration Act.
Kasalukuyang nakapiit sa RSOG detention cell ang mga suspek at nakatakdang i-turn over sa Bureau of Immigration ang pitong Tsino para sa kanilang deportation pabalik ng Tsina. (Arnell Ozaeta At Ed Amoroso)