7 suspek sa pagpatay sa bank exec, tugis
March 17, 2007 | 12:00am
CABANATUAN CITY  Malawakang dragnet operation ang ikinasa ng pulisya laban sa pitong kalalakihan na pangunahing suspek sa pananambang at pagpatay ng isang bank manager sa bayan ng San Isidro, Nueva Ecija at ikinamatay pa ng isang babaeng by-stander noong Martes ng Marso 13.
Kabilang sa mga suspek na tugis ng pulisya ay sina Rolly Adriano, 33, ng Barangay Dolores, Magalang, Pampanga; Abba Santiago at Lean Adriano, kapwa naninirahan sa Barangay San Agustin, Arayat, Pampanga.
Samantala, inaalam pa ng pulisya ang pagkikilanlan ng apat na iba pang mga suspek sa pananambang laban kay Danilo Cabiedez, 56, branch manager ng Bangko Luzon sa San Isidro, Nueva Ecija, na ikinamatay rin ng babae na si Ofelia Bulanan, 45.
Nabatid na agad na nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya sa nasabing bayan kaya’t nabatid ang mga pagkakakilanlan ng mga suspek na nahaharap ngayon sa kasong double murder. (Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest