^

Probinsiya

Duwelo: Mag-utol todas

-
CAMP CRAME — May posibilidad na lupaing minana sa kanilang mga magulang ang naging ugat kaya nagpatayan ang mag-utol na magsasaka sa Barangay Buguil, Moalboal, Cebu City kamakalawa ng gabi.

Kapwa nagtamo ng mga sugat sa katawan ang magkapatid sina Luncio at Vicente Badonio, kapwa magsasaka at naninirahan sa nabanggit na barangay.

Sa ulat ng tagapagsiyasat na si SPO2 Jose Tacoloy, naitala ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi sa bahay ni Vicente kung saan binisita ito ng kanyang utol na si Luncio at sabay pa silang maghapunan.

Matapos maghapunan ay humiram ng jungle bolo si Luncio sa kanyang kapatid na agad namang pinahiram.

Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay pinagtataga ni Luncio ang kanyang kapatid at kahit sugatan ay nakuha pang manlaban hanggang sa kapwa malubhang nasugatan

Ayon sa ulat, si Luncio ay namatay sa naturang lugar dahil sa tinamong grabeng pinsala sa ulo at katawan samantalang sinubukan pang isugod sa pinakamalapit na pagamutan si Vicente, subalit namatay din ito habang ginagamot.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na hindi magkasundo ang magkapatid sa partihan ng minanang lupain na iniwan sa kanila ng yumaong mga magulang. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AYON

BARANGAY BUGUIL

CEBU CITY

EDWIN BALASA

JOSE TACOLOY

LUNCIO

VICENTE

VICENTE BADONIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with