Sa desisyong ipinalabas ng 4th Division ng Sandiganbayan, napatunayang guilty sina dating Anahawan Mayor Antonio de Jesus Sr., Vice Mayor Anatolio Ang at ang municipal treasurer na si Martina Apigo.
Base sa record ng korte, nakipagsabwatan si Apigo sa dalawang nasabing opisyal sa pagbili ng coco lumber na nagkakahalaga ng P1,863 matapos ipalsipika ang mga dokumento para palabasing nagkaroon ng public bidding na umabot sa P16,767.
Napag-alamang binili ng mga opisyal ang mga coco lumber sa tindahang pag-aari ng anak ni dating Mayor de Jesus na si Antonio de Jesus Jr.
Kinasuhan din si Antonio Jr., subalit inabsuwelto dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensya. Napatunayan naman ng korte na nag-overApricing ang mga opisyal ng P.50 kada boardfeet na lubLhang mas mataas sa ibang nagbebenta ang coco lumber at lumitaw na nag-over price ang mga akusado ng P1,863.
Bukod sa pagkabilanggo ay pinagmumulta rin ng korte ang tatlo ng P5,000. (Rose Tamayo-Tesoro)