^

Probinsiya

2 turista nilamon ng dagat

-
CAMP CRAME — Dalawang banyagang turista ang iniulat na nasawi makaraang malunod sa magkahiwalay na beach resort sa La Union kamakalawa ng hapon, ayon sa ulat ng pulisya.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawing biktima na sina Henri Julien Deplanche, 83, French national; at Hanz Julius Herman, 63, German national.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, unang nalunod si Deplanche dakong alas-3:20 ng hapon matapos na maligo sa beach resort na sakop ng Barangay Baccuit Norte, Bauang, La union.

Napag-alamang kasama ni Deplanche ang kanyang asawang French national din sa nabanggit na beach resort bago lumangoy sa malalim na parte ng dagat may 50 metro ang layo mula sa dalampasigan.

Bigla na lang lumubog ang biktima at hindi na lumutang pa kaya humingi ng tulong ang asawa nito sa kinauukulan.

Narekober naman ang katawan ng biktima ilang minuto kaya agad na itinakbo sa pinakamalapit na ospital, subalit idineklarang patay.

Samantala, si Herman naman ay naligo sa Navalta Reach Resort ng Barangay Alamaeda noong Biyernes ng Marso 9 hanggang sa hindi ito lumutang.

Ganap na alas-3:30 ng hapon naman nang lu mu tang ang bangkay ni Herman sa laot matapos na mamataan ng isang mangingisda. (Edwin Balasa)

BARANGAY ALAMAEDA

BARANGAY BACCUIT NORTE

CAMP CRAME

DEPLANCHE

EDWIN BALASA

HANZ JULIUS HERMAN

HENRI JULIEN DEPLANCHE

LA UNION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with