^

Probinsiya

Amo dinedo ng sariling helper

-
CAVITE — Hindi natapos maghapunan ang isang 55-anyos na trader makaraang barilin at mapatay ang biktima ng sariling helper sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Lalaan, Silang, Cavite kamakalawa.

Ang biktimang sumusubo pa ng pagkain nang salubungin ni kamatayan ay nakilalang si Salvador Dayandante, tubong Ligao Albay, negosyante at residente ng nabanggit na barangay.

Pormal namang kinasuhan habang nakapiit sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Ruben Mendoza, 31, binata, tubong Masbate at stay-in helper ng biktima sa nasabing lugar.

Lumitaw sa pagsisiyasat ni PO2 Dennis Patambang na naitala ang krimen dakong alas-7 ng gabi sa loob ng tahanan ng biktima habang naghahapunan kasalo ang bisitang mag-asawa.

Napag-alamang pinaupo pa ng biktima ang suspek upang makisalo sa hapunan, subalit lingid sa una ay nakaamba na ang karit ni kamatayan.

Ayon sa ulat, hindi napansin ng mag-asawang bisita ng biktima na may home-made shotgun na hawak ang suspek na nakatago sa ilalim ng mesa.

Nagulat na lamang ang mag-asawang bisita nang may pumutok sa ilalim ng mesa at duguang bumagsak ang biktima sa sahig.

Sa ulat ni PO2 Patambang, nagalit ang suspek sa kanyang amo matapos na hindi ito payagang magtrabaho sa isang construction sa labas. (Cristina Timbang)

vuukle comment

AYON

BARANGAY LALAAN

BIKTIMA

CRISTINA TIMBANG

DENNIS PATAMBANG

LIGAO ALBAY

RUBEN MENDOZA

SALVADOR DAYANDANTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with