Ito ang tiniyak ni Philippine National Police chief Director General Oscar Calderon, kaugnay ng alegasyon ni Bacoor, Cavite Mayor Jessie Castillo na may high ranking politician ang gumagamit sa PNP para sa sariling political interest. Kasunod nito, hinamon ni Calderon si Mayor Castillo na pangalanan niya ang mga opisyal ng pulis na ginagamit ng mga pulitiko sa Cavite at ilantad niya ang anumang ebidensya sa kanyang alegasyon. "Misleading yung alegasyon ni Castillo na pawang speculative at baseless na ang PNP ay sangkot sa manipulasyon ng resulta ng elections noong 2001 para maging pabor sa mga kandidato ng administrasyon," pahayag pa ni P/Chief Supt. Samuel D. Pagdilao.
Samantala, pormal namang magsusumite ng karagdagang ebidensya kay Department of Justice Senior State Prosecutor Emmanuel Velasco kaugnay sa isinampang kaso laban kay Castillo parang inamin na rin ng alkalde ang kanyang kasalanan matapos na magpalabas ito ng one whole page manifesto sa pahayagan. Magsasagawa rin ang Cavite PNP ng masusing imbestigasyon kung salapi ng bayan ang ginamit ni Castillo para pondohan ang nailabas na one whole page manifesto.