Matatandaang naghain ng reklamo si Barbers sa Bauan PNP matapos siyang tangkaing dukutin ng apat na kalalakihan, kabilang na ang isang pulis at isang airforce sa kahabaan ng highway sa Ba rangay Manghinao sa nasabing bayan.
Napigilan lang ang nasabing pagdukot matapos makialam ang isang peryodistang si Ben Aclan na nagsimulang kumuha ng video footages gamit ang kanyang celfone.
Dahil doon, pormal na hu miling si Barbers kay Secretary Raul Gonzales ng Department of Justice ng isang imbestigasyon kaya inatasan naman si NBI Director Nestor Mantaring para sa nasabing kaso.
Sa 3-pahinang ulat ng NBI, walang mabigat na ibidensya na magpapatibay na may naganap na bigong kidnapping, bagkus maituturing lang itong isang traffic altercation.
Ayon sa ulat, bago naganap ang insidente sa Bauan, nagkaroon muna ng traffic altercation sa pagitan ni Barbers at ni A2C Niño Virtusio sa Barangay Lalayat, San Jose, Batangas. Mariin namang itinanggi ni Barbers na sinuntok niya si Virtusio at naglabas ito ng kanyang baril.
Batay sa NBI report, nagtangkang umobertake ang Ford Explorer ni Barbers sa mabagal na sasakyan ni A2C Virtusio pero hindi ito makalusot na iki nagalit naman ng opisyal.
Sa salaysay ng mga saksi, nang malampasan ni Barbers si A2C Virtusio, bumaba ito sa kanyang sasakyan bitbit ang baril at nagpakilalang pulis sabay suntok sa batok ng sundalo bago ito sumibad patungong Bauan.
Dahil doon, hinabol ni Virtusio si Barbers kasama ang iba pang kapatid nito sakay ng Mitsubishi Adventure hanggang sa magpang-abot sa bayan ng Bauan. Napigilan lang ang engkwentro ng dalawang panig nang makialam si Aclan at kapwa magreklamo sa himpilan ng pulis sa Bauan. (Arnell Ozaeta)