2 pulis utas sa NPA
March 9, 2007 | 12:00am
BUTUAN CITY – Ipinakita ng mga rebeldeng New People’s Army ng Communist Party of the Phils. na hindi ito nasindak sa nilagdaang Anti-Terrorist Act ni Presidente Arroyo nang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang dalawang pulis-Lianga habang kumakain sa Butuan City kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga biktimang sina SPO1 Roque M. Lobo at PO2 Edmund Aparta na kapwa nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Lianga, Surigao del Sur.
Base sa ulat, ang mga biktima ay kumakain sa loob ng Edwin Galen Restaurant matapos ang beat patrol nang lapitan ng tatlong armadong kalalakihang NPA at isinagawa ang pama maslang.
Napuruhan sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima bago tumakas ang mga killer na naka-suot ng camouflage jacket sakay ng motorsiklo.
Ayon kay P/Senior Supt. Alex Ga, Surigao del Sur provincial police director, tinangay ng mga rebelde ang M-16 armalite rifles at dalawang kalibre. 45, matapos na masigurong patay na ang mga biktima.
Matatandaan na noong Pebruary 27, kasama ng mga operatiba ng Lianga pulis sa pangkat ang DENR-PNP kung saan nasabat ang trak na may lulang Yakal hardwood sa Barangay Diatagon.
Malaki ang paniniwala ng pamilya ng dalawang pulis na may kaugnayan ang pamamaslang sa naganap na insidente noong Pebrero 27.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest