Lola kinatay ng akyat-bahay
March 6, 2007 | 12:00am
QUEZON – Pinagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ang isang 81-anyos na lola ng mga di-kilalang lalaki na pinaniniwalaang grupo ng "Akyat-Bahay Gang" makaraang pasukin at looban ang bahay ng biktima sa Barangay 7, Lucban, Quezon kamakalawa ng gabi.
Mistulang baboy na may tali ang mga kamay at paa, may busal na basahan sa bibig at naliligo sa sariling dugo ang biktimang si Luthgarda Placino-Abiad nang matagpuan ng kanyang kasambahay na si Florita Absulio dakong alas-12:45 ng gabi.
Sa salaysay ni Absulio kay SPO1 Floricel de los Santos, officer on case, dakong alas-11 ng gabi nang iniwan niya ang kanyang amo upang magtungo sa sariling bahay, subalit pagbalik niya ay walang sumasagot sa pagkatok sa saradong pintuan.
Inutusan ni Absulio ang kanyang anak na si Michael na pasukin ang bahay sa pamamagitan ng pag-akyat sa bintana at nang makapasok na sila’t nag-usisa sa kabahayan ay nakita nilang nakabulagtang duguan at patay ang amo sa kusina.
May teorya ang pulisya na nilooban ng mga miyembro ng Akyat-Bahay Gang ang biktima bago tinuluyan ang matanda. Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang mga nawalang kagamitan sa bahay ng biktima. (Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am