Samar governor, 6 pang opisyal pinaaresto ng Sandiganbayan
March 6, 2007 | 12:00am
Nalalagay nagayon sa balag ng alanganing masibak sa tungkulin at bumagsak sa kulungan ang gobernador ng Samar at anim pang opisyal dahil sa kinakaharap na katiwalian sa ilalim ng Section 3 ng Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act).
Dahil dito, ipinag-utos kahapon ng 4th Division ng Sandiganbayan kay Sheriff Ed Urieta na isilbi ang warrant of arrest laban kina Samar Governor Milagros Tan, Rolando Montejo, provincial adiministrative officer; Daminao Conde, treasurer; Romeo Reales, accountant; Maximo Sison, budget officer; Aurelio Bardaje Jr, general services officer at si Nomeriano Legaspi, GSO record officer/inspector.
Base sa record, lumilitaw na inaprobahan ng mga nasabing opisyal ang pagbili ng 176 na electric fan na nagkakahalaga ng P244,640 kahit walang kaukulang public bidding.
Katuwang ni Urieta sa pagsisilbi ng warrant of arrest ay ang pulisya at mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI). (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended