^

Probinsiya

Ate Vi lumarga sa pagka-gobernador?

-
Nagpatawag ng press conference si Lipa City Mayor Vilma Santos sa araw na ito na pinaniniwalaang magdedeklara na siyang kumandidato sa pagka-governador ng Batangas upang labanan ang sariling bayaw na si Vice Governor Ricky Recto at ang kasalukuyang Gobernador na si Armand Sanchez sa darating na mid-term May 14 elections.

Sa ipinadalang media advisory ng kampo ni Santos na nag-aanyaya sa mga pahayagan na magpadala ng reporter at photographer sa Lipa City para sa ‘mahalagang ipapahayag’ ni Santos.

Susuportahan naman ng partidong Lakas-CMD ang kandidatura si Santos bilang gobernador ng Batangas kaysa kay Vice Governor Ricky Recto na umanib sa oposisyon at nagpupumilit na pabagsakin ang matibay na si Gobernador Sanchez.

"Basta ang mahalaga kapartido namin si Mayor Vi and we are going to support her sa darating na eleksyon," pahayag ni Batangas Rep. Eileen Ermita-Buhain.

Naniniwala naman si Sen. Ralph Recto na tanging ang kanyang asawang si Mayor Vi, ang magpapabagsak kay Governor Sanchez na pinaniniwalaang nabahala matapos na mabalitang lalahok si Mayor Vi sa governatorial race.

Lumilitaw rin sa mga survey na nangunguna si Ate Vi at ikatlo lamang si Ricky Recto sa Batangas governatorial race sa darating na eleksyon sa Mayo.

Matatandaang umatras sa governatorial race si Mayor Vi matapos na magbangayan ang mag-utol na Recto dahil sa ginawang proklamasyon ng nasabing Senador na kakandidato ang kanyang asawang si Ate Vi para labanan ang sariling bayaw na si Ricky at ang kasalukuyang gobernador na si Sanchez. (Mhar Basco)

vuukle comment

ARMAND SANCHEZ

ATE VI

BATANGAS

BATANGAS REP

EILEEN ERMITA-BUHAIN

GOBERNADOR SANCHEZ

MAYOR VI

VICE GOVERNOR RICKY RECTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with