Ricardo sa pagka-alkalde sa Tagaytay inindorso ni FVR
March 2, 2007 | 12:00am
TAGAYTAY CITY, Cavite  Hindi nagkamali si dating Pangulong Fidel V. Ramos na suportahan ang kandidatura ng isang negosyanteng babae sa pagka-alkalde laban kay Mayor Abrahan "Bambol" Tolentino, sa Tagaytay City, Cavite sa darating na midterm elections sa Mayo 14, 2007. Sa ginanap na pagpupulong sa Royal Parc Hotel and Restaurant sa Tagaytay City, pormal nang ipinakilala ni FVR bilang opisyal na kandidato sa pagka-alkalde si Jocelyn Ricardo at ang kanyang bise alkalde na si Arnel Taruc, sa ilalim ng Partido Lakas-NUCD at Lakas-CMD. Inindorso rin ni FVR ang sampung konsehal na sina Cora Dimapilis, Tess Mendoza, Ilang Catan, Riza Javier, Dely Castillo, Roy Tolentino, Boji Maglabe, Tagumpay "Poy" Reyes, Yoyong Angcaya, Malabanan at si Elino Pajardo. Ka bilang sa mga binanggit ni FVR na agenda nina Ricardo at Taruc ay ang Coalition of New and Old Stakeholders, Good Governance, Transparent and Accountability, Eco-Tourism led Local Economy with High Regards for Invironmental Concerns, such as Waste Management at Private Sector led Development with LGU Providing Infrastructure Conducive Business Environment and Sound Local Policies and Ordinance to Attract Investors.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended