Lover ni misis pinugutan ni mister
March 1, 2007 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City  Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 37-anyos na mangingisda makaraang pugutan ng ulo ng mister na asawa ng kalaguyo ng una sa Sitio Tingco, Barangay Inapugan sa bayan ng Pilar, Sorsogon kamakalawa ng hapon.
Bukod sa pinugutan ay inilibing pa ang katawan ni Nardito Molina, samantalang nasakote naman ang suspek na si Rodolfo Aguilar na kapwa naninirahan sa nabanggit na barangay.
Napag-alamang umabot sa kaalaman ng suspek na ang kanyang misis ay nakikipagrelasyon sa biktima na lingid sa kaalaman nito ay kumukuha lamang ng tamang tiyempo para komprontahin.
Ayon sa ulat, natiyempuhan ng suspek na ang biktima ay nagpapahinga sa lilim ng punong niyog kaya agad nitong nilapitan at isinagawa ang pamamaslang.
Natagpuan ni Barangay Kagawad Recto Ramos, ang bangkay ng biktima na nakabaon sa mababaw na hukay kaya agad nitong ipinagbigay-alam sa himpilan ng pulisya.
Matapos ang masusing pagsisiyasat, lumalabas na pinugutan ng ulo ang biktima dahil sa karelasyon nito ang misis ng suspek na hindi naman pinagsisihan ang ginawang krimen.
Pormal na kinasuhan ang suspek at tatayong testigo sa krimen ay ang kanyang misis na pinaniniwalaang napamahal sa biktimang pinugutan. (Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am