Preso nagbigti sa selda

BULACAN – Pinaniniwalaang nakonsiyensya ang isang 49-anyos na panday-susi sa ginawang panghahalay sa anak na babae ng kanyang ka-live-in kaya nagdesisyong magbigti sa loob ng selda ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Plaridel, Bulacan noong Linggo. Kinilala ni Atty. Hector Geologo, hepe ng NBI-Bulacan, ang nag-suicide na si Edgar Loreto y Millamina ng Barangay Wawa, Balagtas, Bulacan.

Ginamit ni Loreto na pambigti ang tela ng kanyang pantalong maong na kanyang pinilas. Napag-alamang si Loreto ay dinakip ng mga operatiba ng NBI-Bulacan noong Martes, Pebrero 20 dahil sa reklamo ng 2-anyos na babae na ginawang sex slave sa loob ng dalawang taon. (Dino Balabo at Boy Cruz)

Show comments