2 pulis dedo sa road mishap
February 27, 2007 | 12:00am
CAVITE – Napaaga ang pagsalubong ni kamatayan sa dalawang pulis-Cavite makaraang sumalpok ang motorsiklo ng mga biktima sa kasalubong na pampasaherong jeepney sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Pasong Camachile 1, General Trias, Cavite kamakalawa. Naisugod pa sa Divine Grace Medical Center, subalit idineklarang patay sina PO1 Patricio Manuel Gajunia Jr., 30, ng Brgy Tejeros Convention, Rosario; at PO1 Manuel Ferrer Atienza Jr., 24, ng Brgy Labac, Naic, Cavite, kapwa nakatalaga sa General Trias PNP.
Pormal naman kakasuhan ang drayber ng jeepney (DXE-211) na si Rexson Nosa, 27, ng Brgy. Bacao 2 ng nabanggit na bayan. Lumilitaw sa pagsisiyasat ni PO1 Melencio Malomay III, nawalan ng kontrol ang motorsiklo (PI-5905) dahil sa pag-iwas sa tumawid na aso kaya sumalpok sa kasalubong na jeepney. (Cristina Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Cristina Timbang | 11 hours ago
By Doris Franche-Borja | 11 hours ago
By Cristina Timbang | 11 hours ago
Recommended