Opisyal ng PNP-CIDG nilikida
February 25, 2007 | 12:00am
CAMP CRAME  Maagang natapos ang panunungkulan ng isang mataas na opisyal ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ng mga ’di-kilalang lalaki na pinaniniwalaang mga rebeldeng NPA sa bayan ng Pili, Camarines Sur kahapon.
Sa sketchy report na pinadala ni P/Senior Supt. Romeo Mapalo, Provincial police director, dalawang bala ng baril ang tumapos sa buhay ni P/Supt.Vicente Mendenilla, 52, hepe ng Assistance for Directorate Community Relation - CIDG sa Camp Crame sa Quezon City.
Ang biktima ay bumisita sa pag-aaring Subadan Beach Resort sa Barangay Binanuaan nang maganap ang pamamaslang dakong alas-4:30 ng hapon.
Naisugod pa ang biktima sa Mother Siton Hospital sa Naga City, subalit idineklarang patay dahil sa tama ng bala sa tiyan at tuhod.
Napag-alamang dumating ang biktima sa kanyang beach resort noong Biyernes para bisitahin ang naturang lugar na posibleng natiyempuhan ng mga killer. (Angie dela Cruz at Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended