Sa desisyon ni Associate Justice Ramon Garcia ng CA 15th Division, marapat laamang na suspendihin si Kalayaan, Laguna Mayor Emmanuel C. Magana.
Batay sa rekord ng Ombudsman, noong madaling-araw ng May 31, 2001, katatapos lamang ng victory party ni Magana nang sampalin at suntukin ng alkalde ang complainant na si Joselito de Guzman, talunang kandidato sa pagka-konsehal.
Ikinatwiran ng alkalde na lasing at susuray-suray si de Guzman nang humarang sa daraanan ng kanyang minamanehong kotse kaya binabaan niya ito at pinagalitan.
Gayunman, higit na kinatigan ng korte ang testimonya ng mag-amang Jorge Tria at ng 12-anyos na anak nito na si Paula Luz na nakakita nang pagsusuntukin at sampalin ng alkalde si de Guzman.
Binigyang-diin ng CA na napatunayan ng Ombudsman na lasing ang alkalde dahil ito na rin mismo ang umamin na galing siya sa victory party. (Grace dela Cruz)