Suspensyon ng Laguna mayor kinatigan ng CA
February 24, 2007 | 12:00am
Hindi pinatulan ng Court of Appeals (CA) ang apela ng isang alkalde sa isang bayan sa Laguna na naglalayong mapawalang-bisa ang parusang 6-months preventive suspension na ipinataw ng Ombudsman dahil sa kasong administrsatibo dulot ng pananampal at panununtok.
Sa desisyon ni Associate Justice Ramon Garcia ng CA 15th Division, marapat laamang na suspendihin si Kalayaan, Laguna Mayor Emmanuel C. Magana.
Batay sa rekord ng Ombudsman, noong madaling-araw ng May 31, 2001, katatapos lamang ng victory party ni Magana nang sampalin at suntukin ng alkalde ang complainant na si Joselito de Guzman, talunang kandidato sa pagka-konsehal.
Ikinatwiran ng alkalde na lasing at susuray-suray si de Guzman nang humarang sa daraanan ng kanyang minamanehong kotse kaya binabaan niya ito at pinagalitan.
Gayunman, higit na kinatigan ng korte ang testimonya ng mag-amang Jorge Tria at ng 12-anyos na anak nito na si Paula Luz na nakakita nang pagsusuntukin at sampalin ng alkalde si de Guzman.
Binigyang-diin ng CA na napatunayan ng Ombudsman na lasing ang alkalde dahil ito na rin mismo ang umamin na galing siya sa victory party. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest