CAMP SIMEON OLA, Legazpi City  Hindi nakaporma kay kamatayan ang isang 24-anyos na salesman ng pribadong kompanya ng biscuit makaraang barilin ng isa sa dalawang holdaper sa bahagi ng Sitio Cut Dose, Barangay Bacacay sa bayan ng Tinambac, Camarines Sur kahapon.Napuruhan sa ulo ng bala ng baril ang biktimang si Belcesar Masapol ng Barangay Pamukid, San Fernando, Camarines Sur, samantalang nakatakbo naman ang helper ni Masapol na si Arnulfo Pendos. Napag-alamang hinarang ng mga di-kilalang lalaki ang van na may plakang TAM -727 ng mga biktima.Pumalag si Masapol kaya binaril ng holdaper saka tinangay ang malaking halaga sa pagtakas
. (Ed Casulla) Drayber, tinedyer pinabulagta |
CAVITE  Dalawa-katao ang iniulat na pinaslang sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa mga bayan ng Amadeo at Tanza, Cavite kamakalawa. Ang 28-anyos na si Jonard Pascua ng Barangay Biclatan, General Trias, Cavite ay binaril sa ulo at napatay ng isa sa dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo habang nagmamaneho ng pampasaherong jeepney (DHD-639) sa bahagi ng Barangay Tamakan, Amadeo. Samantala, ang biktimang 19-anyos na tinedyer na hindi nabatid ang pangalan ay pinagtulungan gulpihin at saksin ng basag na bote ng mga suspek na sina Jordan Espinosa, 20; Jordel Espinosa at Nok Nok Pulido sa Barangay Daang Amaya 1 sa bayan ng Tanza, Cavite.
(Cristina Timbang) 29 Nurses sa Gordon College pumasa sa NLE |
OLONGAPO CITY  Pinapurihan ni Olongapo City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon Jr, ang 29 mag-aaral na may kursong Nurrsing sa Gordon College na pumasa sa Nurses Licensure Examinations. Sinabi ni Gordon na muli na namang nangibabaw ang talino ng mga mag-aaral ng Gordon College matapos ilabas ng Professional Regulation Commission (PRC) ang resulta ng pinakahuling exam.Sa kabuuang 40,147 na kumuha ng Nursing exam noong Disyembre 2006 ay 19,712 (49%) ang nakapasa at dalawampu’t-siyam sa mga mapalad na nakapasa ay mula sa nasabing kolehiyo. Kabilang sa mga successful examinees ng Gordon College ay sina Jhessie L. Abella, Revelle L. Artates, Danna Grace A.Corpus, Icvan Christopher C. Cruz, Pamela D. Dabu, Roel M. David, Ronald De Castro, Sheena B. De Vera, Vincent Paul B.De Vera, Domagas, Tariza Joy L. Domagas, Jenalyn M. Duenas, Jennifer R. Ednave, Irish Lou A. Ferrer, Shiela E. Francisco, Juvy Anne P. Gallardo, at si Darlynn B. Gregorio. Nakapasa rin sina Ibo, Bonifacio U.; Menor Vanessa E.; Mora, Veronica T.; Morales, Emmalou C.; Nasaire, Christine Kaye L.; Pagar, Joi S.; Pe, Josephine C.; Reyes, Melvin R.; Santos, Karen Vivian D.; Soriano, Erwin M.; Tella-in, Efren S.; Valenzuela, Charlene F. at Wong, Allan James B.
Testigo sa editor’s slay nawawala |
CAMP AGUINALDO  Nawawala ang isang testigo kasama ang kanyang pamilya sa kaso ng pagpatay sa editor-in-chief ng isang pahayagang pang-komunidad na pinagbabaril noong Pebrero 19 (Lunes) habang nag-eehersisyo sa likuran ng kaniyang tahanan sa Sultan Kudarat, Shariff Kabunsuan, ayon sa ulat kahapon. Ayon kay Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Police Director Chief Supt. Joel Goltiao, nakipag-usap pa sa kanila nitong Miyerkules, ang nasabing testigo pero biglang nawala at nagtago matapos na makatanggap ng pagbabanta. Nabatid na nagbigay na ng impormasyon sa "Task Force Pastolero" ang nasabing testigo sa kaso ng pagpatay kay Hernani Pastolero, publisher ng Courier newspaper na nakabase sa Cotabato City na pinagbabaril sa Brgy. Bulalo, Sultan Kudarat. Sa kasalukuyan, iniimbestigahan kung may kaugnayan sa uri ng trabaho nito bilang mamamahayag.
(Joy Cantos)