Ang suspek na iprinisinta sa mga mamamahayag nina Atty. Antonio Pagatpat, Eastern Visayas regional director at NBI deputy director Atty. Esmeralda ay kinilalang si Arthur Donaire - gumagamit din ng alyas na Arthur Ponay.
Si Ponay ay itinuturing ng NBI na triggerman sa pagpatay kay Mayor Astorga noong Enero 25 sa Barangay Birawan, Daram, Samar habang ang nasabing alkalde ay nakilahok sa public dance sa ginanap na kapistahan.
Napag-alamang 4th degree-cousin ni Mayor Bartolome Figueroa, ang suspek na mariing itinanggi ang akusasyon ng NBI.
Inamin naman ng ex-vice mayor ni Astorga, na pinsan nga niya si Ponay, subalit itnanggi rin ang tinuran ng NBI at nanindigan sa kanyang statement na isang political harassment ang nasabing kaso.
Subalit ayon kay Atty. Pagatpat, positibong kinilala ng mga testigo na si Ponay ay isa sa mga pumaslang kay Mayor Astorga matapos ang police line-up sa NBI district office sa Catbalogan City.
Pormal namang sinampahan ng kasong murder si Ponay sa office ng Provincial Prosecutors sa Samar habang patuloy naman ang malalimang imbestigasyon para makilala ang mastermind sa pagpatay kay Astorga.
Samantala, duda naman ang mga awtoridad sa ipinalabas na statement ng Arnulfo Ortiz Command ng NPA rebs na inaako ang responsabilidad sa nasabing pamamaslang dahil patuloy parin nangangalap ng sapat na ebidensya na iniuugnay sa maka-Kaliwang grupo. (Miriam Desacada)