Kapatas dinedo ng 2 tauhan
February 21, 2007 | 12:00am
LOPEZ, Quezon  Tinapos ng dalawang obrero ang matagal na nilang alitan laban sa kanilang foreman matapos na patraydor nilang saksakin at mapatay kamakalawa ng gabi sa harapan ng Barangay Hall sa Barangay Hondagua, Lopez, Quezon. Nagtamo ng malalim na saksak sa tiyan at hindi na umabot ng buhay sa Magsaysay Memorial Hospital ang biktimang si Jesus Dator y Dayrit, alyas "Bobie,"43, kapatas sa Philippine Flour Mills. Tugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Mario Olegario at Timoteo Samson.
Ayon kay SPO4 Paterno Montero, may-hawak ng kaso, ipinarada ng biktima ang kanyang motorsiklo sa harapan ng Barangay Hall nang lapitan ni Olegario na nakangiti pang sinaksak ng gulok sa tiyan si Dator habang nagsilbing look-out naman ang kasama nitong si Samson. Binanggit sa ulat na isang buwan bago ang insidente ay nagkaroon nang pagtatalo ang mga suspek laban sa biktima tungkol sa kanilang trabaho na pinaniniwalaang nagtanim ng galit ang dalawa. (Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Cristina Timbang | 2 hours ago
By Doris Franche-Borja | 2 hours ago
By Cristina Timbang | 2 hours ago
Recommended