Kawani ng DA dedo sa ambush
February 21, 2007 | 12:00am
CAMP MIGUEL MALVAR, Batangas  Patay agad ang isang 52-anyos na kawani ng Department of Agriculture (DA) matapos na tambangan ng mga armadong kalalakihan sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Laiya Ibabaw sa bayan ng San Juan, Batangas noong Lunes ng umaga.
Kinilala ni P/Senior Supt. Prudencio Banas, Batangas provincial police director, ang biktimang si Edgardo Luistro, nakatalaga bilang animal quarantine inspector sa DA at residente ng Barangay Bulsa, San Juan, Batangas. Ayon sa ulat, binabagtas ni Luistro ang kahabaan ng nasabing lugar lulan ng kanyang owner-type jeep nang ratratin bandang alas-5:15 ng umaga. Sinisilip ng mga imbestigador ang anggulong may kaugnayan sa away sa lupa ang isa sa motibo ng pamamaslang. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest