^

Probinsiya

3 anak ikinama ng ama

-
ATIMONAN, Quezon — Maagang nawasak ang kinabukasan ng tatlong mag-uutol na paslit makaraang pagsamantalahan ng sariling ama sa Barangay Lub, Atimonan, Quezon kamakalawa.

Pansamantalang nasa pangangalaga ng lokal na sangay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga biktimang itinago sa pangalang Lorreain, 8, grade 1; Maybell, 4 at Cheska, 2; samantalang nakapiit naman ang suspek na si Roy Eyuli, 31 at nahaharap sa kasong statutory rape.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Emelita Borigas ng Womens Desk Section, na dakong alas-9 ng umaga kamakalawa nang umiyak ang tatlong mag-uutol sa harap ng kanilang ina.

Nang usisain ni Emily Eyuli ang mag-uutol dahil ayaw siyang paalisin ay nagtapat na ang mga bata tungkol sa ginagawang maitim na balak ng sariling ama kapag wala sa bahay ang kanilang ina.

Dahil sa natuklasan ang kamundugan ng suspek laban sa mga biktima ay mabilis na nagtungo sa Doña Marta Hospital ang mag-iina at ipinasuri ang kalagayan ng tatlo hanggang sa nalamang positibong hinalay ang magkakapatid.

Hindi na nagdalawang isip si P/Chief Insp. Laudemir Llaneta at ipinaaresto ang suspek na pinamumunuan ni SPO1 Florante Hinanay. (Tony Sandoval)

BARANGAY LUB

CHIEF INSP

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

EMELITA BORIGAS

EMILY EYULI

FLORANTE HINANAY

LAUDEMIR LLANETA

MARTA HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with