Kabilang sa mga suspek na nasakote ay sina PO1 Wayne Collantes, 34; PO2 Enrique Lajom, 39 na kapwa nakadestino sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Bulakan; at si Rogelio Santos, 38, isang dating pulis na nakatira sa Barangay Matictic, Norzagaray, Bulacan, Ayon sa ulat ni Atty. Hector Geologo, hepe ng NBI-Bulacan.
Ang mga suspek ay dinakip dahil sa paniningil ng pautang ng isang Nestor Pascual kay Fernando Maclang, kapatid ni Violy Maclang na humingi ng tulong sa NBI-Bulacan.
Ayon sa ulat, si Fernando Maclang ay may utang na P36,000 kay Pascual, subalit hindi makabayad ay kinausap ang mga suspek upang maningil para sa kanya na ikinatakot naman ng pamilya Maclang.
Napag-alamang naaktuhan ng NBI-Bulacan ang mga suspek na binibilang ang P20,000 na nagsilbing paunang bayad ni Violy kay Pascual.
Nakatakdang kasuhan ng administratibo ng panglalawigang pulisya dahil sa kanilang pagkilos na hindi nararapat sa isang pulis at paggamit ng patrol car ng Bulakan police station.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang dalawang caliber .45 at isang 9MM at mga bala, kabilang ang patrol car na may plakang SGJ-976 at may body No. 02 at marked money.