Hanging bridge bumigay: 32 na-ospital
February 17, 2007 | 12:00am
BATANGAS  Nauwi sa kalungkutan ang masaya sanang scouting ng 32 mag-aaral sa hayskul makaraang bumigay ang isang hanging bridge sa bayan ng San Juan sa Batangas na ikinasugat ng mga biktima dahil sa pagkahulog sa bangin noong Biyernes ng umaga.
Ayon kay P/Chief Inspector Jonathan Tangonan, hepe ng pulisya sa bayan ng San Juan, ang mga estudyante na may edad 13 hanggang 14-anyos ay pawang mag-aaral sa Batangas Eastern Academy na kabilang sa 167 Girl Scouts of the Phils. na nagsagawa ng kanilang yearly activity matapos na maganap ang aksidente bandang alas-9:30 ng umaga.
Sa panayam ng PSN kay Tangonan, papatawid na sana ang mga girl scouts sa isang matandang hanging bridge na may habang 50-metro na malapit sa pampublikong pamilihan na sakop ng Barangay Mabalanoy nang biglang maputol ang mga kable nito dahil hindi makayanan ang sabay-sabay na pagtawid ng mga bata.
Ginagamot na sa San Juan District Hospital, Duque General Hospital sa bayan ng San Juan at Mary Mediatrix Hospital sa Lipa City, ang mga biktimang nagtamo ng bale sa buto at sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan matapos na mahulog sa may 30-metrong lalim na bangin.
Kabilang sa mga nasugatang biktima ay nakilalang sina Danile Aniban,14; Olien Ona,12; Daisy Barrion, 12; Amira Espiritu, 15; Rachel Cavillan,12; April Durado, 12; Niza Tubeo,13; Myla Manalo,14; Jedy Mendiola, 13; Alysa Pera, 12; Ruby Ruth Carandang,13; Judith Gutierrez,14; Jayrose Jaen 13; Ruth Balique 12; Jenine Lajato 13; Ranie Dimaano 12; Arysa Pendel, 12; Jelly An Garcia,12; Katlyn Lunes, 13; Jesica Catapang,13; Cristina May Palas, 12; Adoracion Aran, 62; at Cris Razon,10.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended