Sa 17 desisyon pinagpasyahan ng walo kontra apat na Board Members sa kanilang ipinasang administrative case no. 06-2006 ang pagsasampa ng mga naangkop na kasong kriminal laban kay Mayor David.
Nag-ugat ang naturang reklamo nang magsampa ng kasong administratibo ang isang Manuel de Leon na nang lumaon ay sinampahan ng Petron Corporation bilang co-complainant si David ng mga kasong grave misconduct and abuse of authority at mga paglabag sa RA 6713 o ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees at RA 3019 o ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Si David ang dahilan umano ng pagkakabalam sa pagtatayo ng Petron-FCC (Fluidized Catalytic Cracker) Project na tinayang halaga na P12 bilyon isa sa mga expansion projects ng Petron Refinery Corporation sa Limay, Bataan kung saan karagdagang kita ng Pamahalaang Panlalawigan ng buwis na aabot sa mahigit P200 milyon. (Jonie Capalaran)