Anak ni Asistio, 4 pa tiklo sa attempted kidnap
February 13, 2007 | 12:00am
CAMP OLIVAS, Pampanga  Inaresto ng mga tauhan ng pulisya ang hinihinalang anak ni Congressman Luis “Baby†Asistio at apat pang iba sa tangkang pagdukot sa isang technician sa Angeles City noong Linggo.
Kabilang sa mga suspek na kinasuhan kahapon ay sina Levy Carbonell ng Quezon City; Jayson Untalan ng Caloocan City; Raymond La Madrid ng Timog, Angeles City; Dennis Dacer ng Caloocan City; at Luis Piting Asistio, anak ni Congressman Baby Asistio.
Ayon kay Central Luzon Regional Police director, P/Chief Supt. Ismael R. Rafanan, Regional police director, ang mga suspek na pawang lango sa alak ay dinakma matapos tangkain dukutin si Jerry Sampo Andrade, 26; sa harap mismo ng Jenra Mall sa kahabaan ng Sto. Rosario Street sa Angeles City, dakong alas- 6:30 ng gabi.
Sa report na tinanggap ni Gen. Rafanan, nakumpiskahan ang mga suspek ng 9mm na baril at cal. 357 magnum.
Napag-alamang si Sampo, na isang technician sa mga tindahan ng celfone ay dating kasamahan ng mga suspek at pilit nilang ipinapasok sa sasakyan, subalit hindi nila nagawa dahil sa unti-unting dumarami ang taong nakakita sa insidente at kaagad itong nai-report sa kinauukulan. (Resty Salvador at Ric Sapnu)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended