Mag-asawang Muslim trader kinidnap
February 12, 2007 | 12:00am
CAMP CRAME  Dinukot ng mga armadong kalalakihan na hinihinalang miyembro ng notoryus na kidnap-for-ransom (KFR) gang ang isang mag-asawang negosyanteng Muslim matapos harangin ang kanilang behikulo sa kahabaan ng Narciso Ramos national highway sa Brgy. Poblacion, Saguiran, Lanao del Sur kamakalawa.
Kinilala ang mga bitkima na sina Ibrahim Sangcopan, 37 at Norhanisa Sangcopan, 34, pawang residente ng Baloi, Lanao del Sur.
Sa report ng Police Regional Office (PRO) ng ARMM, dakong alas-12:30 ng tanghali nitong Sabado habang bumabagtas sa nasabing lugar ang kulay pulang CRV (AED -473) na sinasakyan ng mag-asawa patungong Marawi City nang harangin ng mga armadong kidnaper. Agad na tinutukan ng baril ang mag-asawa kung saan ang behikulo mismo ng mga ito ang ginamit sa pagtangay sa mga biktima patungo sa Brgy. Mapantao, Saguiran ng nasabing lalawigan. Agad namang nagsagawa ng operasyon ang mga elemento ng 1501st Police Mobile Group para iligtas ang mag-asawa pero nabigo na ang mga itong abutan ang kanilang get-away vehicle.
Narekober ang inabandonang sasakyan ng mag-asawa sa Brgy. Cabasaran. Nagsasagawa na ng search and rescue operations upang mabawi ang mag-asawa. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended