Sanggol itinapon sa basurahan, natodas
February 11, 2007 | 12:00am
MALOLOS CITY, Bu lacan  Walang tigil na iyak ng isang sanggol mula sa basurahan na pinaniniwalaang itinapon ng walang pusong ina ang gumising sa mga residente ng Barangay Barihan sa Malolos City, Bulacan kahapon.
Nang hanapin ng mga residente kung saan nagmumula ang matining na iyak, nakita nila ang isang bagong silang na babaeng sanggol na nakabalot pa sa dyaryo sa basurahan, nakatali ang mga paa ng lubid, dumudugo ang ilong, at nakapulupot ang pusod nito sa leeg.
Ayon kay SPO3 Leon cia de Belen, sinadyang ilalag ang sanggol sa hindi nabatid na lugar nang matagpuan bandang alas-7 ng umaga kahapon.
Agad namang isinugod ng mga residente ang sanggol sa Bulacan Provincial Hospital, subalit namatay rin habang ginagamot.
Naniniwala ang mga tagapagsiyasat ng pulisya, na biktima ng abortion ang sanggol mula sa babaeng hinalay at nagbunga ang krimen.
Matatandaan na noong nakaraang Setyembre 2006, nagulat ang mga residente ng Barangay Tikay nang mamataan ang isang sanggol na lalaki na nakalutang sa sapa.
Katulad ng sanggol na babae sa Barangay Barihan, nakapalupot pa ang umbilican cord ng sanggol na lalaki sa Barangay Tikay ng ito ay matagpuan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
15 hours ago
Recommended