Lider ng Bayan Muna, nilikida

CAMP AGUINALDO – Pinagtulungang barilin hanggang sa mapatay ang isang lider ng provincial chapter ng militanteng grupo sa harapan ng kanyang asawa’t tatlong apo sa loob ng sariling tahanan sa isa na namang insidente ng extra-judicial killing sa bayan ng Salay, Misamis Oriental, kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo ng bala ng baril ang biktimang si Dalmacio Gandinao na tumatayo ring lider ng Misamis Oriental Farmers Association. Ayon sa ulat, bandang alas-7 ng gabi nang pasukin at paslangin ng mga armadong kalalakihan ang biktima na naghahapunan kasama ang kanyang misis at tatlong apo. Base sa talaan ng nasabing grupo, si Gardinao ay ika- 58 biktima sa hanay ng mga pinatay na lider ng militanteng grupo simula noong 2001 nang manungkulan si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. (Joy Cantos)

Show comments