Sa anim na pahinang resolution ng CA sa panulat ni Associate Justice Lucenito Tagle, binawi na nito ang TRO na unang ipinalabas nito.
Maging ang kahilingan ni Esquivel na mabigyan ng permanent injunction upang maharang ang kautusan ng Ombudsman ay ibinasura na din ng CA. Sinabi ng CA na walang legal right si Esquivel dahil itinuturing na immediately executory ang kautusan ng Ombudsman na siya ay masibak sa puwesto.
Pinagbatayan ng CA ang naging desisyon noon ng Korte Suprema sa halos kapareho ding kaso.
Una ng pinaburan ng CA noong Jan. 31 ang kahilingan ni Esquivel na maharang ang ipinalabas na kautusan ng Ombudsman na nagsisibak sa kanya sa puwesto bilang Mayor ng Jaen Nueva Ecija. (Grace dela Cruz)